Kulturang Popular

KULTURANG POPULAR

KAHULUGAN:

a. Kulturang mula sa at naimpluwensayhan ng media, ng mamimili at ng komersyo, at may malaking epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa lipunan (Grakname, 2020).

b. Ito ay kulturang nakabatay sa pagkagusto o pagtangkilik ng maraming tao (Torralba, w.p.).

c. Ito ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili (Orito, w.p.)


HALIMBAWA

Musika

1. Dynamite (BTS)

2. Savage Love (Jawsh 685, Jason Derulo ft. BTS)

3. Paubaya (Moira Dela Torre)

4. Positions (Ariana Grande)

5. Ice Cream (Blackpink with Selena Gomez)



Pagkain at Inumin

1. Samgyupsal

2. Ube cheese pandesal

3. Ramen

4. Milk tea

5. Dalgona coffee




Damit

1. High-waisted pants

2. Off-shoulder

3. Skinny jeans

4. Tattered pants

5. Loose shirt




EPEKTO NG KULTURANG POPULAR:

Positibo: Nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa (Orito, w.p.).

Negatibo:  Marami ang kinakailangang isakripisyo ng mga mamimili para lang matamo nila ang mga pinapangarap na mga bagay-bagay. Handa silang masaktan dahil gusto nila makiuso sa uso na nagging uso dahil sa masa. Ito ang ideya ng sado-masokismo na isang katangian ng kulturang popular (Chantal, w.p).


Repleksyon:
Ang kulturang popular ay hindi masamang tangkilikin lalo na kung may nadudulot itong magagandang pangyayari sa mga taong tumatangkilik nito at hindi lang nila ito tinatangkilik upang kainggitan sila ng ibang tao o ang pagtangkilik nila sa mga ito ay may negatibong epekto sa kanilang sarili o pamumuhay at sa mga taong nakapaligid sa kanila.
Nawa ay ang kulturang popular ay gamitin ng wasto at para sa kabutihan ng lahat ng bawat tao upang hindi ito maging negatibong paksa.






Sanggunian:

Chantal, L. (w.p.). Kulturang Popular. Nakuha sa http://lisannemariechantal.blogspot.com/2013/04/blog-post.html

Grakname (2020). Kulturang popular. Nakuha sa https://e-edukasyon.ph/filipino/1-ito-ay-kulturang-mula-sa-at-implu-5433623

Orito, R. (w.p.). Kulturang Popular. Nakuha sa https://www.academia.edu/9686034/KULTURANG_POPULAR

Torralba, J. (w.p.). Kahulugan ng Kulturang Popular. Nakuha sa https://www.scribd.com/doc/111121696/Ang-Kahulugan-Ng-Kulturang-Popular



Comments

Popular posts from this blog

The Summary of Irisan Story

Introduksyon sa Pagsasalin