Introduksyon sa Pagsasalin
π¦
DOKTO SHI SONGSONG NI SAHEY BII'N TITIT
Silver Pilo
Isinalin sa Filipino ni Judy Lyn Pastor bilang
"Kamote sa Tuka ng Isang Bababeng Ibon"
Sakey ja memapteng jen agsapa waray empoti'n bii'n titit jen nanpa-tok shi panga ni sakey ekayang tan memajat jen kiyew. Engitngal si-kato ni ebadeg jen dokto shima enshokey tan makenteg jen songsong to. Idi eka-ekay wara ali ebadeg tan etoling jen aso eman-ekad nodta askhang nonta ebadeg jen kiyew.
(Isang maaliwalas na umaga, may puting babaeng ibon na dumapo sa sanga ng isang matayog at magandang puno. Mayroong malaking kamote sa kanyang mahaba at matigas na tuka. Maya-maya, may malaki at maitim na asong naglakad sa tabi ng malaking kahoy.)
'Naymaton jen naagang sota aso, piyan to'n shili'n mengan. Tinangkhak to sota bii'n titit jet inon-an to sota makopag jen dokto. 'Nanshogi'n inmayos i ilol shima nginma-ta jen bongot to.
(Halatang gutom ang aso, gusto na talagang niyang kumain. Tinignan niya ang babaeng ibon at nakita niya ang kamote. Nag-umpisang tumulo ang laway sa kanyang nakabukas na bunganga. )
Inpanposiposipos to'y nemnem to no to'y pesing to'n mengda nonta abebadeg jen dokto. Inkhatod waray ninemnem to...
(Nagnilay-nilay siya kung paano niya makukuha ang malaking kamote hanggang sa may naisip siya...)
"Bii'n titit", inkeljaw nonta aso. "Nimanak bengat jen mengoney ni marimarikit jen bii'n titit. Singa sabsabong shima pa-dok, emengab-abak i kinasiged to. Singen siyang ni sekhit no agsapa, akhakhanas i niyal to."
("Babaeng ibon," isinigaw ng aso. "Ngayon lang ako nakakita ng magandang babaeng ibon. Parang isang bulaklak sa ilog, hindi kumukupas ang kagandahan nito. Parang pagsikat ng araw, kaakit-akit na pagmasdan.")
Minmamajat ngo'y dekna nonta bii'n titit singen emantejab shi dangit ima puso to khabol ni shadsak tan imdeng to ta naysemek nodta inkowan nonta aso.
(Gumaan naman ang pakiramdam ng babaeng ibon, parang lumipad sa langit ang kanyang puso dahil sa saya at dahil napaibig siya sa sinabi ng aso.)
Dinekna nonta aso jen na-shanan sota titit 'songa inparas to ma sota plano to.
(Naramdaman ng aso na naniwala ang babaeng ibon kaya ginawa na niya ang kanyang plano.)
"Jet amtak sesikhed metlang ita boses mo, shaket onkaka-jas pay i deknak no iki-dengan taka'n mankansiyon."
("Alam ko ring napakaganda ng boses mo baka mas gumaan pa ang aking pakiramdam kung mapapakinggan kitang kumanta." )
Khabol ta na-shanan jen pasiya sota titit tan piniyal to'n shagos i daki'n egto paylang am-amta, indokat to sota songsong to sayno man kansyon. Agto dinekdekna ji na-kas sota dokto shima songsong to khabol ta 'na-khas ngo'y dekna to tani piyal to nodta aso. Pilmi shadsak nonta aso. Sinbi ni ngi-shit to sota showa'n ebadeg jen tangida to.
(Dahil nasiyahan ang babaeng ibon ay nagtiwala siya agad sa lalaking hindi niya kilala, binukas niya ang kanyang tuka para umawit. Hindi niya namalayang nahulog ang kamote sa kanyang tuka dahil nahulog na rin ang loob niya sa aso. Sobrang saya ng aso. Umabot ang kanyang ngiti sa kanyang malalaking tainga.)
Inkimit nonta empoti'n bii'n titit i showa'n mata to khabol ta en-amis i toka pankankansiyon. Egto am-amta ji tinaynan sha la... In-oowapan shala... Dinoko ra... In-aw-awan sha gayam da...
(Pinikit ng babaeng ibon ang kanyang mata dahil sa sarap ng kanyang pag-awit. Hindi niya alam na iniwan na siya, na nagsinungaling ang aso sa kanya, na niloko siya. Pinaglaruan lang pala siya.)
Apaw noman i bii'n emiyal. Bii'n 'naysemek. Bii'n tinaynan sha gayam bengat tep indara la'y kasepolan sha.
(Sa kanyang pagdila, ang babaeng nagmahal ay iniwan dahil nakuha na ng aso ang kaniyang kailangan.)
Songa si-kham jen bii karam shagos i-akan i piyal mo shi sakey daki'n egmo paylang am-amtan kusto. Karam i-agag i timpo no 'naysemek ka'n shagos. Karam koma itolok jen sata dokto bengat shi songsong mo i kasepolan nonta daki'n inmesop so'n si-kam. Jet no dinoko shaka, kosto ma. Enog ma. Say piyalen mo'n too ket aliwen sota onpiliw so nita dokto shi songsong mo nodikket sota too'n mengi-shom pay ni na-na-jew jen mekan shi damisaan mo.
(Kaya ikaw na babae, huwag ka basta-bastang magtitiwala sa lalaking hindi mo pa lubusang kilala. Huwag kang magmadali dahil ang pag-ibig ay hindi minamadali. Huwag mo sanang hayaan na ang kamote lang sa iyong tuka ang kailangan ng lalaking lumalapit sa iyo. At kapag niloko ka, tama na. Ang pagkatiwalaan mong tao ay hindi iyong mang-aagaw ng kamote sa tuka mo kundi ang taong magdaragdag pa ng iba’t ibang pagkain sa iyong mesa.)
Link ng audio clip ng "Kamote sa Tuka ng Isang Babaeng Ibon"
(Ang audio clip ay para sa mga mas gustong mapakinggan ang salin ng "Dokto shi Songsong ni Sahey Bii`n Titit")
π¦π¦π¦π¦π¦π¦π¦π¦π¦π¦π¦π¦π¦π¦π¦π¦π¦π¦π¦
Sangunian:
Pilo, S. (2020). Dokto Shi Songsong Ni Sahey Bii'n Titit. Ibaloy Literature. Nakuha sa https://silverrpilo.blogspot.com/2020/08/dokto-shi-songsong-ni-sakey-biin-titit.html noong ika-23 ng Nobyembre 2020.
Comments
Post a Comment